Archive for the ‘Short Stories’ Category

Bughaw na Rosas

Posted: November 30, 2012 in Short Stories
Alas tres na ng madaling araw.  Ikot.  Di makatulog.  Naririnig ko ang lakas ng pagkabog ng dibdib ko.  Ikot uli.  Pikit.
Mamaya na ang inaasahang pagkikita namin ni Maria.  Ilang buwan rin kaming nagsusulatan at sa wakas ay napagdesisyunan na rin naming magkita for the first time.  Isang bughaw na rosas…
Nagsimula ang lahat sa isang bookstore ng Mall dito sa amin.  Naghahanap ako ng isang lumang libro sa bandang “used books sale” section  ng bookstore na yun.  Ang swerte nga naman.  Nakita ko nga yung librong hinahanap ko sa isang shelf sa sulok ng bookstore.  Medyo luma na yung book at halatang marami na ang nakabasa nun.  Matagal tagal na rin sigurong di nakukuha yung book sa shelf kasi medyo may alikabok na ang cover.  Hinipan ko at binuksan ang book.  Eto nga yun. ..
Sa front page ng book, napansin kong may nakadikit na post-it note.  Maria S. Myers.  #3 Sampaguita St., Villaverde Subdivision,  Mandaluyong.  Ah, cguro eto yung huling may ari ng librong ito…
Pagdating sa bahay ay inilapag ko ang mga bitbit na groceries.  Pasok sa kwarto at pinaandar ang aircon at TV.  Napahiga.  Medyo boring ang palabas so nagdecide ako na magbasa na lang ng book.  Yung lumang book na nabili ko.  Napansin ko ulit yung post-it note…
Sa unang pagkakataon ay napansin ko ang handwriting ng sumulat.  Sabi nila ang katauhan daw ng isang tao ay nakikita’t nalalaman sa penmanship nito.  Siguro mabait ang nagsulat nito.  Ewan pero tumatak sa aking isipan ang post-it note na yun habang binabasa ko yung book.  Nung inantok ay napaidlip ako…
Alas singko y media na nang ako ay magising.  Naghanda na para sa work.  Lunes kasi.  First day of work for that week.  Naalala ko na naman yung note.  Maria S. Myers.  #3 Sampaguita St., Villaverde Subdivision, Mandaluyong.   Ang layo.  Nasa Mindanao ako eh.  Bat ba laging sumasagi sa isipan ko ang note na yun?
Pagdating ko sa opisina binuksan ko ang PC.  Nagsimula na ako sa aking work routine nang maisipan kong isearch sa FB ang name.  Maria S. Myers.  Ang daming lumabas! Karamihan puro foreigner.  Alangan naman.  Foreign na foreign nga yung name eh.  Disregard ko na lang at balik na lang uli sa trabaho.
Lunchtime.  Mag-isa akong kumain sa canteen.  Absent kasi ang kaibigan kong lagi kong kasamang kumain ng lunch.  Nang matapos ay kumuha ako ng bond paper sa bag.  Anu kaya’t sulatan ko yung Maria Myers na yun?
Hi. I found your name and address on a page from an old book.  Probably you are the previous owner of it.  ‘Just caught my attention so I decided to write….  Blah blah blah….
Pina LBC ko ang liham.  Ofcourse, nilagay ko ang mobile number ko dun, name, and address.   Nagbabakasakali lang baka tumawag….
Mag iisang lingo na at walang tawag akong natanggap galing sa kanya.  Nasabi ko na lang sa sarili ko, yaan mo na yun.  Lumabas ako ng bahay may nag abot sakin ng sulat.  Taga LBC sya.  Pina receive sakin so pumirma na rin ako.  Galing kay Maria ang sulat…
Sa  sulat na yun ko unang nakilala ang katauhan ni Maria.  Medyo makaluma sya.  Walang Facebook.  Di rin mahilig sa celphone.  Anak pala sya ng isang sundalong kano na napapunta dito sa bansa noon.  Mahilig rin pala sya sa pagpinta.  At tumutugtog sya ng piano.  Paminsan lang daw sya sa bahay nila sa Mandaluyong dahil lagi daw silang pumupunta sa Tagaytay.  Mas lagi sya doon kasi doon daw ang business nila.
Ewan ko ba pero nagreply na rin ako sa sulat nyang yun.  Wala rin naman syang number na nilagay dun kaya’t sa pagsusulat na lang ang natatanging paraan para magcommunicate kami.
Isang taon na rin kaming nagsusulatan.  Linggo linggo ay may natatanggap akong liham galing sa kanya.  Tingin ko nahuhulog na rin ang loob nya sa akin at ganun na rin ako sa kanya.  Ngayon ang eksaktong date isang taon mula nung una ko syang sinulatan…  Sa wakas ay pumayag na rin syang magkita kami…
Sa paliparan dito sa amin ko daw sya imeet….
8:45 a.m.  Naghihintay na ako sa waiting area ng airport.  Alas nuebe ng umaga  ang nakatakdang arrival ng sinasakyan nyang eroplano.  Isang bughaw na rosas…
Isang bughaw na rosas daw ang palatandaan para makilala ko sya.  Basta maghintay lang daw ako sa waiting area.
9:00 a.m. na at lumapag na rin sa wakas ang flight 645. Kinakabahan na ako.  Sa unang pagkakataon ay magkikita kayo ng tinitibok ng puso mo.  Parang movie lang noh?  Yun ang nararamdaman ko ng mga oras na yun habang tinitingnan ko ang pababang mga pasahero galing sa eroplano.
Nakaupo lang ako sa waiting area at sinuyod ng mga mata ko ang bawat pasaherong napadaan.  Bughaw na rosas. Yun ang hinahanap ko.  Muntik na akong mapatayo ng makita ko ang paparating….
 Ngumiti sa akin ang isang napakagandang babae.  Nakashades at naka coat ng pula.  Sobrang shiny ng kanyang mahabang bagsak na buhok.  Cguro mga 5’6 ang height at mapapansin mo ang napakakinis nyang kutis sa suot nyang pinsel.  Kumikislap ang kanyang mga ngiti….Isang anghel na naligaw ditto sa lupa…
Ang bango nya nung nilagpasan nya ako….
Sa bandang likuran nya ilang hakbang ang layo ay nakita ko ang isang babaeng may dalang bughaw na rosas. Isang foreigner. Mga nasa 50’s ang edad nya siguro.  Naka eyeglass sya at mapapansin mo ang white streaks nya sa buhok.  Maiksi at medyo wavy ang kanyang buhok.  Naka light blue dress sya at mapapansin mo sa kanyang mukha ang kabutihan ng kanyang puso.
Medyo may panghihinayang at kirot ang nararamdaman ng puso ko ng mga oras na yun.  Pero tumayo ako.  Paninindigan ko to.  Who knows?  Kahit naman cguro hindi ako magkakaroon ng girlfriend, atleast magkakaroon naman ako ng isang bagong kaibigan.  Kumakabog uli ang dibdib ko. Nilapitan ko sya.
Hi! Maria Myers?…..
“Hello! Are you John?”  at inabot sakin ang bughaw na rosas.  Tinanggap ko.  Inabot ko sa kanya ang aking kamay para kumustahin sya.  “Thank you!”
“This rose is for you.  You’ve seen  that pretty lady in red who pass by you a while ago?  She was seated next to me on the plane.  We instantly became friends.  She said I’ll give this to the person named John who’ll ask me for her name.  She also said she’ll be waiting for you on the airport restaurant over there.  Be good to her.  She’s too precious.”             At tinapik nya ako sa balikat…..